UPDATED VERSION OF SENATE REORGANIZATION NEWS ITEM
UPANG maiwasan ang girian at agawan ng committee assignments, nagkasundo ngayon ang mga senador sa mayorya na kanilang ipa-uubaya na lamang kay bagong halal na senate president juan ponce enrile ang pagtatalaga ng mga bagong chairmen sa 34 na standing committees at iba pang mahahalagang puwesto sa mataas na kapulungan.
Sinabi ni senador juan miguel zubiri, ang acting senate majority leader, kanilang napagkasunduan na pansamantalang italaga si senador edgardo angara bilang bagong chairman ng makapangyarhang committee on finance upang maseguro na maipapasa ang panukalang 2009 P1.4 trillion national budget bago magrecess ang kongreso sa disyembre.
(+)
|
VILLAR POINTS TO HIS POLITICAL RIVALS
TUWIRANG sinabi ngayon ni dating Senate President Manny Villar na mga kapwa niyang senador na may ambisyon sa 2010 ang nasa likuran ng pagpapatalsik sa kanya mula sa senate presidency.
Sa isang panayam, tinuran ni Villar na malinaw na mga senador na kanyang makakatunggali sa 2010 presidential election ang nag-mastermind diumano sa pagpapatalsik sa kanya.
Bagamat, wala siyang binabanggit na pangalan, ang tinutukoy ni villar ay malinaw na sina senador ping lacson, mar roxas, loren legarda, at richard gordon.
(+)
|