MALUNGKOT na ibinalita ngayon ni senador edgardo angara na bumagsak na ng limampung por syento ang electronics industry ng bansa.
Ayon kay anagram, ipina-abot umano sa kanya ng mga electronics manufacturer na kinansela ng maraming bansa sa mundo ang kanilang mga order sa pilipinas dulot na rin ng nagaganap na global economic recession.
Dahil dito, nagbabadya na umano ang mass lay-off ng mga manggagawa kapag hindi napigilan ang patuloy na paglawak ng economic recession.
Sa senado , dapat umanong madaliin nila ang pagpasa sa 2009 national budget upang makapagpalabas ang gobyerno ng malking halaga at matulungan ang maraming sector na malampasan ang krisis sa ekonomiya.
Dapat din aniyang magdagdag ng mga pagawaing bayan ang pamhalaan upang makadagdag ng maraming trabaho at umikot ang pera sa local na merkado.
Kung hindi umano malulunasan ito ng kongreso at ng malakanyang ay tiyak dadami ang mgamagugutom sa susunod na taon kung kayat nangangailangan ito ng pagtutok ng lahat ng sector.
[top]