UPANG maiwasan ang girian at agawan ng committee assignments, nagkasundo ngayon ang mga senador sa mayorya na kanilang ipa-uubaya na lamang kay bagong halal na senate president juan ponce enrile ang pagtatalaga ng mga bagong chairmen sa 34 na standing committees at iba pang mahahalagang puwesto sa mataas na kapulungan.
Sinabi ni senador juan miguel zubiri, ang acting senate majority leader, kanilang napagkasunduan na pansamantalang italaga si senador edgardo angara bilang bagong chairman ng makapangyarhang committee on finance upang maseguro na maipapasa ang panukalang 2009 P1.4 trillion national budget bago magrecess ang kongreso sa disyembre.
Nabanggit din ni zubiri na sa kanilang closed door meeting sa hotel sofitel sa lungsod pasay na pinangungunahan ni enrile, kanila ring napagkasunduan na i-alok kay senador richard gordon ang chairmanship ng blue ribbon committee, kapalit ni senador alan peter cayetano.
Ayon pa rin kay zubiri, kanilang pormal na pagbobotohan sa plenaryo sa lunes ang pagpili sa mga chairman ng ibat ibang komite.
Ang mga tentatibong seleksyon, ay sina senador lacson bilang chairman ng committees on ways & means, accounts at ethics; loren legarda bilang chairperson ng agriculture committee, jamby madrigal, chairperson ng environment committee, at mar roxas bilang chairman ng education committee.
[top]