PINASIMULAN na agad kagabi ang inisyal na pagbalasa sa pamunuan at membership ng ibat ibang komite at mga mahahalagang posisyon sa senado matapos na mapatalsik si senate president manny villar at napalitan ni senador juan ponce enrile bilang pangulo ng mataas na kapulungan.
Napag-alaman ng PBS News na si senador richard gordon ang pinangalanan bilang bagong chairman ng makapagyarihan blue ribbon committee na dating pinamumunuan ni senador alan peter cayetano – na isang masugid na ka-alyado ni villar.
Napagkasunduan din sa pulong kagabi ng mayorya sa hoetl sofitel sa maynila na kanilang i-alok kay senador aquilino pimentel jr. ang chairmanship ng isa pang makapangyarihang komite, ang foreign relations committee at ang committee on constitutional amendments.
Subalit, ito ay tinaggihan ni pimentel, na ayon sa kanya ay mananatili siyang sa kampo ng minorya at wala siyang balak na sumama sa kampo ni enrile sa mayorya.
Ang iba pang majority senators na nabigyan ng komite ay sina senador loren legarda bilang chairperson ng committee on agriculture, edgardo anagara bilang chairman ng committee on finance, panfilo lacson bilang chairman ng committee on accounts at committee on ways & means, francis escudero bilang chairman ng justice committee at bilang seNate ex-officio member sa judicial and bar council kapalit ni senador francis pangilinan.
Napag-laman din na ang lahat ng kasapi sa bagong mayorya ay bibigyan ng tig-iisanmg major committee at tigiisang minor committee.
[top]